----------
Me: Ipissss ipisssss!! Patayin mo dali!!! (umakyat sa upuan at nagtititili)
TheDarkKnight: I'm not afraid of ipis but I don't want to kill it.
Me: Ipiiiissss dalian mo patayin mo naaaaaaaaaaaaaahhh!!
TheDarkKnight: I don't want to kill it, that's one of God's creations.
*ayon tinitigan ko maglakad ang ipis ng nagluluha ang mata
----------
Me: Ate! ate! ano nga ulit tawag don sa shell na bahay ng turtle?
TheDarkKnight: Carapace.
*hinimatay
----------
Me: (sa sarili) Ano nga ulit flag to
TheDarkKnight: It's Germany's Flag.
*Barado nanaman!! Feeling magaling nanaman kasi eh!
----------
Ayon na nga, pakiramdam ko isa syang kontrapelo sa buhay ko. Lahat nalang. Barado talaga ko sakanya. Lalo na kapag pinapagalitan ko sya, kakampi sya ng mami ko!!
Dati ako ang kakampi ng nanay ko, ako ang dahilan ng law office ng nanay ko! pero ngayon iba na pinagtatangol nya!! At pinagtutulungan nila akong lahat kaya pakiramdam ko nagiisa lang ako! Kahit ata magpakatiwakal ako, wala andon sila kay DarkKnight nila!
Sino ba kasi eto si DarkKnight Ko?
Eto sya:
At sino ako sa buhay nya? Ako ang kanyang mortal na kaaway:
Si Joker! Kabooooooooooooom! Why so Serious? (epekto ng pampabyuti nagmukang clown)
Pinsan ko at ako, Ako si Joker na nananakot parin sa ilalim ng kama
----------
Akala ko ba kaaway ko siya, bakit siya ang bida?
Mom & Dad: (shouting) Ikaw Christina! Bratatatat!! Blabla Yada yada!!
Me: Huhuhu uhuhuh... Huhuhuhuhu uhUHUhuhu
TheDarkKnight: Lolo, Lola, please don't shout at my Tita (sabay akap)
*ayon durog nanaman ang puso ko!
----------
Pero kapag may oras na hindi ko na ma-take ang ka-sutil-an ng batang ito:
Me: Ikaw! Makulit ka nanaman! (nakaluwa ang mata) Kaharap ang mommy nya
TheDarkKnight: Why? You'll ask me to do 20 jumping jacks? Mommy ohhh!
*tinamaan ng lintek, nawala takot sakin nakahanap nanaman ng abugado
*Pero kung ayaw makinig sakin sila nagsusumbong dahil hindi daw sumusonod!! Hanubayan!
----------
Pero naging makulay ang buhay namen dahil kay DarkKnight. Ate, buti na lang guwapo anak mo. Kundi... Kundi.... lab ko paren. heheheh to naman.
Ayan kakain daw muna sya halo-halo hehehhe. natural nyang face yan. haha

May dengue na pala sya ng panahon na to sarap buhay pa kami sa hotel. Akala ko puyat lang sya kausap girlfriend nya sa phone.
Ang amo ng face nya no? Mamaya magpapatayan nanaman kami sa PSP.



43 reactions to Taray Club! -.-":
hahahahaha. comedy! OMG. hay naku. so far wala namang brat sa mga pamangkin ko. lovable lahat. hehe. sobrang miss ko na nga yung mga batang yun.
and magsorry kay darkknight at kay joker. tinalo ang costume at make up sa actual movie. magsorry ang producers sa inyoooo. magsorry. hhahaha. =)
namiss kita tents. dont worry. everything will be fine. im still praying for you. pinagpray din kita sa chapel sa tagaytay!
tsaka tentay, about work. if you're starting to look na rin. i'll recommend you to my friend who is working sa citibank aus. branch. =) i think they have vacancies.
@Madz
i was just browsing my cp pichurs and nakita ko nga yan mga yan. naisip ko iblog naman ang aking sutyl na pamankin. hahahahahha.
wow job offering agad. ano work ko don? taga swipe ako ng card pangshoshopping ko hahaha
matindi din ang mga "POISON IVY's" sa family namen. Walang ginawa kunde pagluruan ang MAC blush and lipgloss ko.. Huhu Ang mahal pa naman nun. mga bruhildang bata!
i-share na ang reqts sa citibank! go go go!
ang wafooo talaga nang pamangkin mo... buti di mana sayu! bwahahaha!!
sorry ka gerl.. hindi ka na ang baby nila.. malaki ka na kase.. malaking pasaway! peace!!
ok lang yan.. di bale bebe ka paren namen ni ipe!
sabay kabig
@CHyng
ay ang sakit nga non, eto nga pamankin ko pilit ko nilalagyan ng lipgloss nagagalit mumi at dadi ko bakit kaya? hahahahhaha. mas cute kasi kung gerl sya hahahah.
akin nlng mac make ups mo hahaha.
@jham
i hatechu! huhu inaapi mo ako. ako parin ang baby nila!! =( si tustus kasi eh inagawan ako ng trono! =( basta ako parin baby gerl mo ha?
tentay, call center job siya. =) mga clients from australia and european countries. =)
akala ko kung sino naman si darkknight. kala ko kaaway natin. hahaha.
Ganyan talaga ang mga magulang. naranasan ko rin yan. hindi na ako ang bida ng magkaroon na sila ng apo at malaki na ako.
nakakatuwa ang mga nieces and nephews. hindi ka ba nainggit at gwapo ang nephew mo. magpalahi ka na rin sa guwapo para dumami ang guwapo at maganda. joke lang ha.
psp, hmmmmm i remember someone and it makes me smile.
hahaha... mare, ang cute ng pamangkin mo. haay, naku, pareho tayo. bunso din kc ako e... at kagaya mo, spoiled din dati... tapos ayun, nung magkaron ng pamangkin, gumuho ang pagiging prinsesa ko... wahahaha..
pero ok lang yun, nakakatuwa din yung may makulit at mas pasaway sa bahay kesa sakin... minsan lang. hehehe:)
hahaha... mare, ang cute ng pamangkin mo. haay, naku, pareho tayo. bunso din kc ako e... at kagaya mo, spoiled din dati... tapos ayun, nung magkaron ng pamangkin, gumuho ang pagiging prinsesa ko... wahahaha..
pero ok lang yun, nakakatuwa din yung may makulit at mas pasaway sa bahay kesa sakin... minsan lang. hehehe:)
mga amfnes kaya ... puro nostalgia ang dinadanas ko dahil sa mga post niyo!
miss ko na mga cousins ko! :D ... they're the cutest babies ever!
lmao ... impernes talagang joker dating mo ha at my sidekick ka pa! :D
big hit post! hahaha... patawa ka pala talaga. sa pagiging senti na kasi kita mas naalala. kaya masaya na ako at masaya ka na rin.
kakatuwa yang dark knight kala ko pa naman mas matanda sa yo. hehehe...
astig ang dalawang joker. bagay na bagay. hehehe...
very cool post! this is a hit! a big hit!
aba pati bata inaaway! hehe
naks artistahin ang dating ah. medyo hawig niya si makisig sa last pic. hehe
at mukhang ubod ng kulit!
ah naku tents hindi kayo kontrapelo sa aking palagay. marahil kaya ganyan ka sa kanya ay dahil nakikita mo ang iyong sarili sa kanya. hehehe
tentay ang cute naman ng post na to. the bida and kontabida, included. hehe. :D
Cute naman nya seatmate, minsan lng naman sya magiging bata, pag lumaki na sya nde ka na nyan kukulitin, ehehehe!
ang cute naman ng pamangkin mo
uber funny...
buti naman at medyo tapos na emo sa blog mo tentay...hehehe
at tama bang patulan din ang bata sa trip nya...mamamatay trip ka ba? hahahahaha
awww ang cutipie ni pamangkin, naalala ko tuloy yung pamangkin ko. wuhuhuhu.
nakita mo na sila diba tentay? mga babae yun, minsan pakilala ko sa pamangkin mo. sana maging textmates sila.
yung ipis na pinlano mo patayin, ayun, nagkadevelop ng sakit sa puso. nasa icu ngayon. nakalanghap ng baygon. (kurnee)
anyway, getlakin mo na yung citibank offer ni madz. para bonggangbongga ka na sa downundah.
kamiss ka naman mare
cute ni dark knight. ang gwapo gwapo. pede ba siya ampunin? hehehehe
oo na.. ikaw na ang baby girl namen.. my choice ba naman kaming iba.. hahahaha
ang gwapo talaga nang pamangkin mo tentay.. aantayin ko yan pag laki! hahahaha!!
=)
@Madz
oh yes magiiba naman ako ngayon ng accent. Bloody hell! hahahahah. Blimeeyy!! Sigi sigi san ba yan! sama ko si Jamjam!
@Redlan
hahahahahahha kaaway ko lang pero labs na labs ko.. mabuti na nga lang at guwapo sha kundi nakuuuuuu (lab ko parin) diba!! hahahaha.
uyyyy ano meron sa PSP? heheheh!
@She
oh yes! nagka-relate nanaman tau 2! hahaha. kaso mare ang prublema kaht gano ka-sutil pamankin ko, ako parin napapansin sa kapalpakan. wahahahahah.
@Ejiikiieru
haha umuwe ka na ditu sa pinas. ako nalang jan. heheh. para ako naman ang mamiss nila. lol. natural na face ko ang kamuka si joker hahahah!
@the dong
hindi ka ba sanay na masaya ako? hehehehe ganito ko kakulit kahit emo mode ako. hehehhehe. natural na natural lang ang byuti ng joker hahaha! salmat!
bakla!!!wafu talaga ni tustus!hehehe!
@odin
eh kasi pasaway eh! inagaw trono ko!
@utakmunggo
ateh korek ka jan nun nauso si super ingo feeling nya sya si super ingo. bawat bago palabas feeling nya sya yon. ngayon feeling nya sya si Asero. hay nako kkahayblad nagtatatalon sa kama. grrrr. di naman ako ganyan kakulit. hahaha.
@acey
cute lang si pamankin. hahaha. pero kontrabida talga. hmp!
@Rizza
nako nakikita ko na, magiging pasaway na lalaki to sa mga gerls. hahahaha.
@ifoundme
mana sa tita. hahahha. (kulog at kidlat)
@frozen
shempre naman, nagbbrowse lang ako pichur sa cp at naisip ko sha. di naman ako emo sa floor ah. halata ba? lolz.
@myk2ts
ayan i-areglo na natin ang mga kyutipay nateng mga pamankin para panalo na! hahahaha. ayon ung ipis tinitigan ko lang makalayo, wala ko kalaban laban. huhu.
kunin mo nalang kami ni she dalin mo kami jan sa singapore para mas masaya! bulabogin ka namen. heheheh mishu more mare! :)
@dakilang tambay
pa-rentahan ko. hahahah. joke lang. labs ko yan. :)
@jham
kanino pa ba magmamana yan si tustus. kundi... ehem ehem. ahahaha. ako lang bebe gerl nyo ha! hmp. tamang tama, 20 yrs old na si tustus, 37 ka na! nyahahahha
@asskcla
beshhhhh i misshuuuuu gwapo no mana sa tita. hahaha labshu beshyy
EY TENTAY!!!
Ang tagal bago ako nakapagpost dito.
Nawala lang bigla. But Im back now kaya eto, first post ko.
Kala ko nag iba na naman timpla ng patis since the first visit ko. hehe
Pareho kayong cute ng nephew mo. :)
Next time, try mo naman maging catwoman sa role playing niyo. hehe
Regards.
hahaha... oo nga. mas masaya ka lang siguro ngayon. pag nakikita ko tong post na to, natatawa pa rin ako. kasi akala ko talaga na matanda na si dark knight. hehehe... may makulit din akong pamangkin. kaya masaya talaga. mas makulit mas okay. hehehe...
@Carlo
HEY CARLO!
hahahaha ginaya lang kita. feeling ko super excited ka sa pagbati eh. =) welkam!!
uy tenchu at naihambing mo ko sa pamankin ko. in fairness, kapag napagkakamalan ako nanay nya di ko alam kng matutuwa ako dahil gwapo sya o mayayamot dahil muka na ko nanay! hahahahha. =)
nice, catwoman, nangangalmot nga ko pag galit. hahahha
@the dong
o ha shushal na-loko ko kayu no kala mo kalove team ko no. hahahaha.
pano kung magisip yang batang yan kala mo matanda. mas memorize nya pa sakin flags ng mundo at continents at taob ako sa geometry (kaka grade 2 lang nyan!) hahahah!
buti nlng tlg gwapo sha kundi nakuuuuuuu (lab ko paren.) nyahahhaha
Ang scary nun mask!
joker ikaw ba yan?
hanube!
kamusta naman yung pictures.
cute naman ni dark knight.
la kasi akong kapatid.
kung may kapatid akong ganyan kacute siguro matagal ng lamog ang katawan nya sa mga panggigigil ko.
toinks!
hahahhah! kaka nosebleed naman yang batang yan! hahahahha :P
This is a cute post =))
may darknight din ako... sya nagpapatakbo ng buhay ko... bday nya kamakailan.. sayang, hindi kami magkasama
Post a Comment